Kung gusto mo mawalan ng social life, mag-BOYFRIEND o GIRLFRIEND ka.
Sila ang pipigil sayo sa mga gusto mong puntahan na hindi sila kasama. :))
Hindi lahat ng nakangiti, masaya.

Minsan, may mga nagpapanggap din. Hindi lahat ng tao ay “showy” pagdating sa tunay na nararamdaman nila. Minsan, mas pinipili nilang sarilihin ang mga problema, kaya nagsusuot sila ng maskara. Ito ay upang matakpan ang sakit at pait na nararamdaman nila. Hindi sa ayaw nilang sabihan ng ibang tao na “weak” sila, pero ito ang paraan nila ng pagiging malakas.
Bihira lamang maging open ang mga ganitong tao. Kaya kapag may kakilala kayong masayahin, at bigla siya nagkwento sayo tungkol sa buhay niya ng di mo inaasahan, wag mo ibalewala. Tanggapin mo siya, hayaan mong alisin niya ang maskara niya sayo. Ito na ang pagkakataon mong tulungan siyang makawala sa sakit na nadarama niya.
Malay mo, ikaw pa ang makatulong sakanya.
Ikaw, nagsusuot ka rin ba ng maskara?
——-



